PAHAYAG TUNGKOL SA NAPAULAT NA PAGKAWALA NG DALAWANG OVERSEAS FILIPINO WORKERS (OFWs) SA HONG KONG

Lubos na nag-aalala at nakikiisa ang Department of Migrant Workers (DMW) sa mga pamilya ng ating dalawang kababayang nawawala sa Hong Kong, sina Imee Mahilum Pabuaya, 24 taong gulang, at Aleli Perez Tibay, 33 taong gulang.
Kaagad namang nakipag-ugnayan sa Philippine Consulate General, Hong Kong Police Force, at Hong Kong Immigration Department upang simulan ang masusing imbestigasyon at aktibong paghahanap.

Kasabay nito, ang DMW, sa pakikipagtulungan ng MWO-Hong Kong, ay nakaantabay at handang magbigay ng lahat ng kinakailangang suporta — mula sa legal, medikal, pang-emergency, hanggang sa emosyonal na tulong — para sa kanilang mga pamilya. Patuloy ang aming pakikipag-ugnayan sa mga lokal na awtoridad upang matiyak ang kanilang kaligtasan at agarang pagkakatagpo sa kanila.

Nanawagan po kami sa sinumang may impormasyon sa posibleng kinaroroonan nina Gng. Pabuaya at Gng. Tibay na agad makipag-ugnayan sa ating Philippine Consulate o sa MWO-Hong Kong. Ang bawat tip, larawan, o detalye ay maaaring maging mahalagang susi sa mas mabilis na pagkakatagpo sa kanila.
Sa gitna ng pangambang ito, pinanghahawakan natin ang pag-asa. Hindi kayo nag-iisa. Kaisa ninyo ang buong DMW, pamahalaan, at sambayanang Pilipino sa panalangin at pagkilos para sa ligtas na pagbabalik nina Imee at Aleli.

Batay sa ulat ng aming Migrant Workers Office (MWO) sa Hong Kong, huling namataan sina Gng. Pabuaya at Gng. Tibay noong ika-4 ng Oktubre 2025 sa Tsuen Wan District.


Maaari pong makipag-ugnayan sa amin sa mga sumusunod na detalye:

📞 Telepono: +852 2866 0640
DMW-OWWA:1348
📧 Email: mwo_hongkong@dmw.gov.ph

Muli, ang inyong DMW ay naninindigan: Ang kaligtasan at kapakanan ng bawat OFW ay aming pangunahing tungkulin. ###

#DMWPHL
#TahananNgOFW
#BagongPilinas

Loading