Balitang MWO :
LIBRENG INFLUENZA VACCINE: Proteksyon sa Taglamig para sa mga OFWs na edad 50 pataas!
Nalalapit na naman ang panahon ng taglamig—kaya hinihikayat ang mga Kabayan na edad 50 pataas para magpa-bakuna! Ang libreng flu shot na ito ay bahagi ng Hong Kong government’s Vaccination Subsidy Scheme na ginaganap taon-taon sa pakikipagtulungan ng MWO Hong Kong sa Shoebill Health Care para masigurong healthy ang ating mga Kabayan.
📅 Walk-ins only – first come – first serve!
🗓️ Tingnan ang photo para sa full schedule guide
📍 MWO Hong Kong, 29/F United Centre, Admiralty
✅ Dalhin ang inyong HK ID at vaccine record (kung meron)
Sa Tahanan ng OFW, sama-sama tayong maging healthy ngayong taglamig! 💪
DMW #MWOHK #TahananNg OFW #FreeVaccineForOFWs

 
				 Post Views: 186
			
				 
								 
								 
								